Ilang kalsada sa Maynila, isasara para sa send-off ng mga pulis na magbabantay sa ASEAN Summit

By Rohanissa Abbas November 03, 2017 - 09:56 PM

Isasarado sa publiko ang ilang daanan sa Maynila mula bukas, November 4 hanggang Linggo, November 5.

Hindi maaaring daanan ng mga motorista ang kahabaan ng Independence Road mula Katigbak Drive hanggang South Drive mula 10:00 PM ng Sabado.

Ayon sa Manila Police District, ito ay bilang paghahanda para sa send-off ceremony dakong alas-6:00 ng umaga ng Linggo, para sa mga pulis na ipakakalat para sa seguridad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Mananatiling sarado ang naturang kalsada hanggang sa matapos ang seremoniya.

Tinatayang nasa 60,000 pulis ang ipakakalat sa Metro Manila at Pampanga para sa ASEAN Summit.

Kaugnay nito, sa halip na sa Independence Road mula Katigbak Drive hanggang South Drive, maaaring dumaan ang mga motorista sa mga sumusunod:

– Para sa mga manggagaling sa Bonifacio Drive at P. Burgos na planong dumaan sa Katigbak Drive, dumaan na lamang sa Roxas Boulevard

– Para sa mga manggagaling sa Roxas Boulevard at TM Kalaw na planong dumaan sa South Drive, tahakin na lamang ang Roxas Boulevard

– Ang mga aalis at tutungo sa Manila Ocean Park, H2O Hotel at Manila Hotel, maaaring gamitin ang Katigbak Drive bilang access road.

TAGS: Asean, Maynila, Asean, Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.