Traffic, nakamamatay ayon sa grupo ng mga doktor
Nagbabala ang grupo ng mga doktor sa mga motorista na ang pagkakaipit sa matinding traffic ay maaring makamatay.
Ayon kay Dr. Jenny Beltran, pangulo ng Philippine Society of Vascular Medicine, taliwas sa pahayag ng isang opisyal ng gobyerno na hindi fatal ang traffic, ay maari aniyang makamatay kung ang isang tao ay matagal na maiipit sa traffic jam.
Sinabi nito na ang matagal na pag-upo at pagtayo ay nagdudulot ng pagbabara sa blood vessel at mga artery o peripheral artery disease o PAD.
Halimbawa aniya ng matagal na pagkakaupo ay ang pagkakaipit ng isang driver o pasahero sa mahabang traffic.
Ayon kay Dr. Beltran, kapag tatlong oras na walang pagkilos o pagbabago sa posisyon ang isang indibidwal maari itong tamaan ng nasabing sakit.
Sinabi ni Beltran na mas delikado sa PAD ang mga obesse, mga babae dahil sa hormone at ang mga umiinom ng oral contraceptives.
Kabilang sa sintomas ng PAD ay ang pamumulikat, pamamanas, pangangalay at pamimintig ng paa.
Sa datos ng Department of Health noong 2009, ikalawa sa pangunahing sanhi ng kamatayan ang sakit sa vascular system kung saan kabilang ang PAD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.