Planong biyahe Ex-Sen. Jinggoy Estrada sa Singapore, haharangin ng prosekusyon
Magsusumite ng kanilang oposisiyon ang panig ng prosekusyon sa mosyon ni dating Senador Jinggoy Estrada na makalabas ng bansa.
Ito ang sinabi ni Assistant State Prosecutor Jedd Boco matapos magsumite si Estrada ng motion to travel sa Sandiganbayan 5th Division.
Binigyan ang prosekusyon ng limang araw para sa pagsusumite ng kanilang written opposition sa mosyon ng nakakalayang dating senador.
Base sa mosyon ni Estrada sinabi nito na kailangan niyang samahan ang amang si Manila Mayor Erap Estrada sa Singapore.
Aniya magpapasuri ang dating pangulo sa isang kilalang doktor sa naturang bansa.
Kalakip pa ng mosyon ni Estrada ang liham ng kanyang ama na nagsasabing nakakuha sila ng appointment sa isang mahusay na Neurosurgeon sa Mt. Elizabeth Hospital.
Sa ngayon ay nakakalaya ang nakakabatang Estrada matapos na payagan ito ng Anti Graft Court na makapag piyansa noong Setyembre ngunit patuloy siyang nililitis sa kasong plunder kaugnay naman sa nabunyag na pork barrel scam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.