WATCH: PDEA, nagbabala sa mga babaeng mahilig mag-party

By Jong Manlapaz November 03, 2017 - 03:27 PM

Nagpaalala ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa publiko, lalo na sa mga kababaihan na mag-ingat sa pagpunta sa mga party.

Ayon kay PDEA Dir. Aaron Aquino, posibleng mabiktima ang mga kababaihan ng gang rape, gamit ang isang uri ng drogang ‘liquid ecstacy’.

Nabisto ng PDEA ang modus sa paggamit ng droga matapos maaresto ang isang Filipino-American na si Dennis Ray Aguilar Thieke sa ikinasang drug raid sa Mandaluyong City.

Paliwanag ni Aquino, dalawa hanggang tatlong patak lamang ng ‘liquid ecstasy’ ang kailangang ihalo sa inumin para makatulog at makalimot ang isang babae, at hindi niya na malalaman na siya ay ginahasa na.

Panoorin ang report ni Jong Manlapaz:

TAGS: ‘liquid ecstacy’, mahilig mag-party, PDEA, PDEA Dir. Aaron Aquino, rape, ‘liquid ecstacy’, mahilig mag-party, PDEA, PDEA Dir. Aaron Aquino, rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.