Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Ramil”.
Sa huling pagtaya ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 240 kilometers hilaga ng Pagasa Island sa Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Pero kahit nakalabas na ng bansa ang bagyong ‘Ramil’, patuloy pa rin itong magdadala ng mga pag-ulan sa bahagi ng hilagang Luzon dala ng umiiral na hanging amihan o northeast monsoon.
Ayon pa sa PAGASA, makararanas rin ng maulap hanggang sa maulang papawirin ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.