Ranking ng Pilipinas sa LTE connection, malapit nang maging kulelat ayon sa isang report

By Rhommel Balasbas November 03, 2017 - 03:08 AM

 

Malapit nang maging kulelat ang Pilipinas sa long term evolution (LTE) internet connection ayon pinakabagong ulat ng research firm na OpenSignal.

Masusing pinag-aralan ng research firm ang LTE connectivity sa iba’t ibang bahagi ng mundo mula July 1 hanggang October 1 ngayong taon.

Ang LTE ay isang 4G o 4th generation mobile type ng teknolohiya na naghahatid ng pinakamabilis na mobile internet experience at mas mabilis ng sampung beses sa nauna nang 3G.

Sa aspeto ng 4G availability, lumalabas sa pag-aaral ng OpenSignal na pang 69 sa kabuuang bilang na 77 ang Pilipinas.

Samantala, pang-74 naman ang bansa sa bilis ng LTE connection na may average speed lamang na 8.24 megabytes per second.

Nangunguna naman ang South Korea sa talaan ng availability ng LTE na may 96.69 percent na sinundan ng Japan na may 94.11 percent.

Mababa sa global average ang 4G LTE speed ng Pilipinas ngunit naungusan nito ang Saudi Arabia, India at Costa Rica.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.