Trump, gusto ng death penalty para sa New York Terror suspect

By Jay Dones November 03, 2017 - 03:36 AM

 

Nais na isalang sa parusang kamatayan ni US President Donald Trump ang suspek sa pananagasa sa hanay ng mga siklista sa New York City kamakailan.

Sa nasabing insidente, sinagasaan ng 29-anyos na suspek na si Sayfullo Saipov ang mga naglalakad at nagbibisikleta sa Lower Manhattan, bago nito ibinangga ang nirentahang pick-up truck sa isang school bus.

Ang tweet ni Trump ay matapos nitong mapag-alaman na hinihiling pa ng naarestong terror suspect na si Saipov, na payagan itong maglagay ng watawat ng ISIS sa loob ng kanyang hospital room.

Ayon kay Trump, dapat ay mapatawan ng parusang bitay si Saipov dahil nagawa nitong pumatay ng walong inosenteng sibilyan at makasugat ng labindalawang iba pa.

Batay sa record ng FBI, masaya pa ang Uzbek immigrant sa kanyang ginawang karumal-dumal na krimen.

Matapos maaresto at madala sa ospital, hiniling pa umano nito na ipaskil sa pader ng kanyang kuwarto ang watawat ng ISIS.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.