Delay sa pagdating ng mga package, asahan na ayon sa PHLPost

By Kabie Aenlle November 03, 2017 - 01:33 AM

 

Ngayon pa lang ay humihingi na ng paumanhin ang Philippine Post Office (PHLPost) sa mga makakaranas ng pagkakaantala ng kanilang mga inaabangang padala o package.

Nagsisimula na kasi ang pagdagsa na naman ng mga padala, partikular na iyong mga parcels o packages na may halagang P10,000 pababa ang mga laman.

Paliwanag ni Assistant Postmaster General Luis Carlos, malaki ang naging epekto ng pagbaba ng Department of Finance (DOF) sa “de minimis” o iyong pinakamababang halaga ng mga gamit na ipapadala para maging tax-free ang shipping nito sa Pilipinas.

Mula kasi nang ipatupad ang mas mababang de minimis isang taon na ang nakalilipas, mas marami na aniya ang mga pumapasok na “e-commerce packets” o mga online purchases na patingi-tingi ang laman.

At dahil aniya malapit na ang holiday season, mas marami na ang umoorder ngayon at mangangailangan ng shipping kaya inaasahang babagal na ang pag-proseso sa mga ito.

Ayon pa kay Carlos, maaring umabot sa isang buwan ang pagkakaantala ng pag-release ng mga package pagdating nito sa bansa.

Kaya naman ang panawagan ng PHLPost sa mga taong tatanggap ng mga package, ay habaan pa sana ang kanilang mga pasensya at pang-unawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.