Chito Narvasa tanggal na bilang PBA Commissioner
Tanggal na si Chito Narvasa bilang Commisioner ng Philippine Basketball Association (PBA).
Sa katatapos na special board meeting, pitong mga miyembro ng PBA Board of Governors ang bumoto na huwag nang i-renew ang termino ni Narvasa.
Kabilang sa mga present sa isinagawang pulong ay sina Raymon Zorilla ng Phoenix, Mert Mondragon ng Rain or Shine, Siliman Sy ng Rain or Shine, Mon Fernandez, Dickie Bachman ng Alaska Al Panlilio ng Meralco, Pato Gregorio ng TNT at incoming chairman Mon Fernandez.
Absent sa meeting ang mga kinatawan ng San Miguel group of companies gayun rin ang mga opisyal ng Kia at Global Port.
Sa naturang special meeting ay napili bilang OIC si Rickie Santos kung saan ay magsisimula ang 43rd PBA Season sa December 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.