Nakolektang basura sa mga sementeryo sa Metro Manila, bumaba ayon sa MMDA
Nabawasan ang nakokolektang basura ng Metropolitan Manila Development Authority sa mga sementeryo sa Metro Manila sa paggunita ng Undas ngayong taon.
Ayon kay MMDA supervising operations officer Bong Nebrija, nakahakot ng ahensiya ng limang toneladang basura na kulang pa sa isang trak kung kaya’t mas mababa ito kumpara sa dalawampu’t pitong trak na nakuha noong nakaraang taon.
Sa tala ng opisyal, narito ang kabuuang dami ng nalinis sa basura sa mga sumusunod na sementeryo:
Manila North Cemetery – 4.56 cu.m. katumbas ng 1.29 tons,
Manila South Cemetery – 0.72 cu.m.= 0.20 tons,
San Juan Cemetery – 5.92 cu.m.= 1.68 tons,
Bagbag Cemetery – 3.68 cu.m.= 1.04 tons,
Loyola Memorial Park – 0.64 cu.m.= 0.18 tons at,
Libingan ng mga Bayani – 3.04 cu.m.= 0.86 tons.
Sa kabuuan, umabot sa apat na raan ang idineploy na personnel ng Metro Parkway Clearing Group sa mga nabanggit na sementeryo ngayong araw.
Matatandaang ipinag-utos ni MMDA Chairman Danilo Lim ang puspusang clean-up driver hanggang sa katapusan ng kanilang “Oplan Undas.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.