Indonesian terrorist na nahuli sa Marawi, hawak na ng CIDG

By Cyrille Cupino November 02, 2017 - 01:55 PM

Mugshot of the Indonesian terrorista | Cyrille Cupino

Nasa kustodiya na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group dito sa Kampo Crame ang Indonesian terrorist na nahuli sa main battle area sa Marawi City.

Si Muhammad Ilham Syaputra ay naaresto ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Brgy. Loksadatu habang nagsasagawa ng clearing operations kahapon.

Si Syaputra ay mahaharap sa kasong rebellion at illegal possession of firearms, illegal possesion of explosives, at paglabag sa International Humanitarian Act.

Nakatakda ring humarap sa Quezon City RTC ngayong araw si Syaputra upang isailalim sa inquest proceedings.

Dumating umano si Syaputra sa Maynila noong Nobyembre ng nakaraang taon upang subukang sakupin ang Marawi matapos imbitahan ni Isnilon Hapilon, ang napatay na lider ng Abu Sayyaf.

22 taong gulang lamang si Syaputra, at sinasabing galing siya sa Medan, North Sumatra, Indonesia.

Siya rin ay itinuturong sangkot sa terror attack sa Jakarta noong January 2016 na ikinamatay ng 15 katao.

Si Syaputra rin ang nagsabi na tinatayang nasa 40 Maute straggles ang nananatili pa rin sa main battle area sa Marawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.