Mga bulaklak sa Manila South Cemetery, bagsak-presyo na

By Angellic Jordan November 02, 2017 - 10:03 AM

Kuha ni Angellic Jordan

Bumaba na sa kahalati ang presyo ng mga ibinebenteng bulaklak sa loob at labas ng Manila South Cemetery.

Sa price monitoring ng Radyo Inquirer, sa kada tatlong bulaklak, nagkakahalaga na ito ng singkwenta pesos na dating isangdaan.

Ang Malaysian Mums, P50 na dating P70 habang ang malilit na basket ng orchids ay pumapatak na ng singkwenta na dating isangdaan.

Ayon sa tinderong si Richard Cailo, nagsimula ang bawas-presyo kaninang umaga bunsod ng matumal na benta dahil sa naranasang pag-ulan kahapon.

Aniya pa, mahina ang kita sa mga ibinebentang bulaklak ngayon kumpara sa mga nakaraang Undas.

Inihayag din nito na posible pang mas bumaba ang presyo hanggang mamayang hapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.