Daloy ng trapiko sa NLEX, maluwag pa

By Mariel Cruz November 02, 2017 - 08:30 AM

Photo: NLEX’ Twitter page

Isang araw matapos ang paggunita sa All Saint’s Day o Undas, maluwag pa rin ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) ngayong umaga.

Ito’y sa kabila ng inaasahang buhos ng mga luluwas sa Metro Manila mula sa kani-kanilang mga probinsya.

Sa toll plaza ng Balintawak, Bocaue at Mindanao Avenue, tuluy-tuloy lang ang takbo ng mga sasakyan sa magkaibang direksyon.

Pero kagabi, naging mabigat ng daloy ng trapiko sa NLEX sa loob ng walong oras mula sa Bocaue hanggang Balagtas.

Ito ay dahil sa mga maagang lumuwas ng Maynila matapos gunitain ng Undas sa kani-kanilang mga probinsya.

Ayon kay Traffic Supervisor Zen Maglalang, umabot sa limang kilometro ang haba ng traffic sa NLEX na nagsimula bandang alas kwatro ng hapon hanggang hatinggabi ng November 2.

Tila mas pinili ng mas nakararaming bakasyunista na lumuwas ng Maynila kahapon, November 1, dahil may pasok na ngayong araw.

Samantala, iilan lamang na minor accident ang naitala sa NLEX sa katatapos na Undas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.