De Lima, gagawaran ng “Prize for Freedom” ng Liberal International

By Kabie Aenlle November 02, 2017 - 04:25 AM

 

Igagawad ng Liberal International (LI) ang kanilang pinakamataas na human rights award, ang “Prize for Freedom” kay Sen. Leila de Lima.

Sa 199th Executive meeting ng LI sa Johannesburg, South Africa, nagbotohan ang mga pulitiko mula sa iba’t ibang panig ng mundo at si De Lima ang napili nilang bigyan ng parangal.

Ito anila ay dahil sa patuloy na pakikipaglaban ni De Lima para “rule of law” pati na sa dignidad ng mga tao kahit na siya ay nakakulong pa.

Tinawag pa ng LI si De Lima na isang “flag-bearer” ng mga karapatang pantao sa Pilipinas, na nagsisilbing isang magandang ehemplo para sa mga human rights defenders.

Naniniwala din si LI human rights committee Marku Loning na dapat agad nang mapalaya si De Lima mula sa pre-trial detention.

Ibinibigay ng LI ang Prize for Freedom sa mga indibidwal na katangi-tangi ang mga naging ambag para sa human rights at political freedom.

Si De Lima na ang ikalawang Pilipinong tatanggap ng nasabing award dahil ang nauna ay si dating Pangulong Corazon Aquino, noong 1987.

Iginawad naman ito kay Aquino dahil sa paglaban niya para sa karapatang pantao noong administrasyong Marcos, at naging pangulo pagkatapos ng EDSA people power revolution.

Ayon naman kay De Lima, nalulugod siya na napili siyang mapagbigyan ng award na katulad ng natanggap ni dating Pangulong Cory Aquino.

Gagamitin niya aniyang inspirasyon ang nasabing award para ipagpatuloy ang paglaban sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.