Samu’t-saring kontrabando, nakumpiska ng mga sundalo sa Eternal Gardens

By Justinne Punsalang November 02, 2017 - 02:22 AM

 

Kuha ni Justinne Punsalang

Kahung-kahong sigarilyo, mga stainless na tinidor, ilang mga screw driver, ilang bote ng alak, at maraming iba pa ang nakumpiska ng mga sundalong nagbabantay sa mga pasukan ng Eternal Gardens sa magdamag.

Ayon sa mga otoridad, tila hindi na natuto ang mga bumibisita sa naturang libingan dahil taun-taon na lamang ay sandamakmak na mga ipinagbabawal na gamit ang kanilang nakukuha mula sa mga ito.

Bukod sa pagbabantay sa mga pasukan ng naturang sementeryo ay nag-iikot rin ang mga sundalo para tiyaking walang nakakalusot na ipinagbabawal na gamit.

Sa kanilang pag-iikot ay doon nila nakukuha ang mga bote ng alak at mga alak na itinago pa sa mga bote naman ng softdrinks o sa mga plastic.

Hinala ng mga sundalo, posibleng bago pa sumapit ang Undas ay naipasok na sa mga mosoleo ang mga alak at iba pang kontrabando sa pamamagitan ng mga caretaker dahil walang nakakalusot sa kanilang pag-iinspeksyon ng mga sasakyan.

Samantala, sa pagtataya ng mga otoridad, nasa anim na raang katao na lamang ang nananatiling nasa loob ng himlayan. Habang panaka-naka ay may mga pumapasok pa rin para bisitahin ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.