Mahigit 30 miyembro ng Maute, nasa Marawi pa din ayon sa teroristang Indonesian

By Erwin Aguilon, Kabie Aenlle November 02, 2017 - 03:05 AM

 

PNP photo

Sa pagkakaaresto ng mga otoridad sa Indonesian terrorist na nagtangkang tumakas mula sa Marawi City, naka-piga pa sila ng impormasyon mula dito

Ayon kay Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner, sinabi ng Indonesian na miyembro ng Maute Group na may nasa mahigit 30 pa siyang mga kasamahan na nasa loob pa rin ng main battle area sa Marawi City.

Samantala, tumanggi naman si Brawner na pangalanan ang nasabing terorista, na nakumpiskahan ng Indonesian passport at bag na naglalaman ng improvised explosive device.

Una umanong naharang ng mga miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPAT) ang nasabing terorista, at saka ipinaubaya sa mga sundalo at pulis.

Ayon kay Lanao del Sur police director Senior Supt. John Guyguyon, umalis na sa main battle area ang nasabing terorista dahil hindi na siya naniniwala sa kaniyang ipinaglalaban.

Nagkaroon na rin aniya ng hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga natitirang miyembro ng teroristang grupo, na inaasahan na ng mga militar lalo na’t nawalan sila ng mga lider na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.