Diversity Visa Lottery program, ipatitigil na ni Trump matapos ang pinakabagong New York terror attack

By Jay Dones November 02, 2017 - 01:31 AM

 

Isusulong ni US President Donald Trump na mapahinto na ang Diversity Visa Lottery Program sa pagpapapasok ng mga immigrants sa Amerika.

Ang direktiba ni Trump ay resulta ng pag-atake ng isang ISIS inspired suspect sa New York sa pamamagitan ng pag-sagasa sa mga nagbibisikleta gamit ang isang nirentahang pick-up truck.

Sa naturang pag-atake ng suspek, nasa walo katao ang nasawi samantalang labing-isa pa ang nasugatan.

Ikinagalit ni Trump nang madiskubre na nagawang makapagpasok ng Uzbekistani terror-suspect na si Sayfullo Saipov sa Amerika gamit ang Diversity Lottery Program pitong taon na ang nakalilipas.

Sa ilalim ng Diversity Visa Lottery program, idinadaan sa ‘lottery’ ang pagbibigay ng US visa sa mga dayuhan mula sa mga bansang kakaunti lamang ang bilang ng immigrants na nasa Amerika.

Giit ni Trump, walang silbi ang naturang programa.

Sa halip, dapat ay magkaroon ng merit-based program sa pagpapapasok ng mga immigrants sa Estados Unidos.

Dahil dito, kanyang agarang idudulog sa US Congress na ipahinto ang naturang programa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.