Bahagyang lumakas ang Tropical Depression Ramil na ngayon ay nasa bisinidad na ng Calamian Group of Islands.
Namataang ang sentro nito 25 kilometro sa timog ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang lakas na hangin an 55 kph at pagbusgo na nasa 75 kph.
Ito ay kumikilos pa Kanluran sa bilis na 18 kph.
Nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 ang Northern Palawan kabilang ang Calamian Group of Islands at Southern Occidental Mindoro.
Base sa pagtataya ay inaasahan na mula sa katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa loob ng 200 km diameter ng naturang bagyo.
Bukod sa mga lugar na nasa Signal Number 1 ay pinag-iingat din ang mga nasa Central Luzon, Cagayan Valley Region at hilagang bahagi ng Quezon Province kabilang ang Polilio Island ay pinag-iingat sa posibleng landslide at flashfloods.
Inaasahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng gabi o umaga ng Biyernes ang nasabing bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.