LPA na binabantayan ng PAGASA, isa nang ganap na bagyo
Nabuo na bilang isang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Ang bagyo na pinangalanang Ramil ay huling namataan sa 115 kilometers West ng Roxas City, Capiz.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa Palawan kabilang ang Calamian Group of Island, Aklan at Antique.
Ayon sa PAGASA nasabing bagyo ay magdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar na nakataas ang signal number 1, mga residente sa NCR, Bicol Region, CALABARZON at sa MIMAROPA na maging alerto sa posibleng flashfloods at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.