Mga nitso sa Bagbag Public Cemetery, tila napabayaan na
Walang mga taong nagbabantay sa mga nitso at mga libingang na kung tawagin ay apartment sa loob ng Bagbag Public Cemetery.
May mangilan-ngilang mga nitso na tinirikan ng kandila at inalayan ng bulaklak, ngunit sa kabuuan ay kapansin-pansin na marami pa sa mga nahihimlay sa naturang libingan ang hindi pa nabibisita ng kanilang mga kaanak.
Makikita rin na ang karamihan sa mga stand-alone na nitso ay kupas na ang pintura, habang ang iba naman ay basag na ang cemento at tila napabayaan na.
May nag-iisa namang maliit na nitso na hindi lamang kandila at bulaklak ang inialay, ngunit maging kalahating bote ng sofdrinks.
Samantala, papasok sa naturang himlayan ay hindi lamang kandila, bulaklak, at pagkain ang mabibili. Mistulang ginawa nang tiangge ang kahabaan ng kalsada papunta sa entrance ng himlayan sa dami ng mga tindahan ng damit at kung anu-anong accessories at laruan sa magkabilang bahagi ng kalye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.