Panibagong engkwentro, sumiklab sa Marawi City

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon October 31, 2017 - 10:50 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Mayroong panibagong engkwentro na sumiklab sa main battle area sa Marawi City.

Ayon sa source ng Radyo Inquirer mula sa militar, tumagal ng lima hanggang 10 minuto ang engkwentro.

Posibleng sangkot umano dito ang mga nagtatago pang miyembro ng Maute Terrorist Group na napilitang lumabas dahil sa labis na kagutuman.

Kinumpirma naman ito ni Col. Romeo Brawner ng Task Force Ranao.

Ayon kay Brawner, isang miyembro ng Maute na napilitang lumantad dahil sa gutom ang naka-engkwentro at napatay ng mga tauhan ng Philippine Army.

Bago ito may mga nadinig na tunog ng mistulang machine gun malapit sa Marawi City Hall na nauna nang idineklarang “cleared” ng militar.

Hindi malinaw kung saan ang eksaktong lokasyon na pinagmumulan ng putok.

Noong Lunes nagbalik na sa normal ang operasyon sa Marawi City Hall.

Sa kabila naman ng nadinig na mga putok ay walang anunsyo ng tigil-operasyon.

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, Marawi City, Martial Law, maute terrorist group, Mindanao, Radyo Inquirer, AFP, Marawi City, Martial Law, maute terrorist group, Mindanao, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.