Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Southern Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2017 - 08:52 AM

Dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan sa mga lalawigan sa Southern Luzon, nagtaas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA.

Sa abiso ng PAGASA, itinaas ang yellow rainfall warning sa Albay, Sorsogon, Camarines Norte, Northern Samar at Catanduanes dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng flashfloods sa mga mabababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Camarines Sur, Romblon, Masbate at sa mga isla ng Ticao at Burias.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar na apektado ng pag-ulan na magmonitor sa ipalalabas nilang mga abiso.

Una nang sinabi ng PAGASA na ang maghapon ay magiging maulan dahil sa LPA, Amihan at tail-end ng cold front.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, Bicol Region, Camarines Norte, catanduanes, northern samar, Pagasa, Sorsogon, southern luzon, Weather in Philippines, yellow rainfall warning, Albay, Bicol Region, Camarines Norte, catanduanes, northern samar, Pagasa, Sorsogon, southern luzon, Weather in Philippines, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.