Daan libong katao dumagsa sa Manila North Cemetery

By Ricky Brozas October 31, 2017 - 08:40 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Umabot na sa halos 300,000 katao ang dumagsa sa Manila North Cemetery ngayong umaga para bisitihan ang mga yumao nilang mahal sa buhay.

Sa pagtaya ng Manila Police District (MPD), Martes ng umaga, umabot na sa 280,000 hanggang 300,000 ang bilang ng mga taong nasa loob at labas ng sementeryo.

Mahigpit pa rin ang ipinatutupad na seguridad at ang mga gamit ng mga pumapasok ay sinusuri para matiyak na hindi sila makapagpapasok ng mga bawal na gamit.

Sarado pa rin ang gate 1 ng sementeryo sa anumang uri ng mga sasakyan at may mga itinalagang e-trike para maghatid sa mga papasok sa loob.

May pinahihiram ding wheelchair para sa mga nakatatanda.

Nasa isang libong pulis ang naka-deploy para magpatupad ng seguridad sa Manila North Cemetery.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: All Saint's Day, Holiday, Manila North Cemetery, Radyo Inquirer, undas 2017, All Saint's Day, Holiday, Manila North Cemetery, Radyo Inquirer, undas 2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.