Amerikanong negosyante, patay sa pamamaril sa Cotabato

By Kabie Aenlle October 31, 2017 - 03:39 AM

 

Patay ang isang negosyanteng Amerikano matapos siyang barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na pinaghihinalaang mga magnanakaw, sa Pikit, Cotabato.

Ayon kay Supt. Bernard Tayong ng Cotabato Police Provincial Office, idineklarang dead on arrival ang biktimang kinilalang si Michael Keith sa Cruzado Medical Clinic Hospital.

Binaril aniya ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo si Keith sa Barangay Poblacion sa naturang bayan.

Dagdag pa ni Tayong, pagnanakaw ang posibleng motibo ng mga suspek dahil tinangay ng mga ito ang pera, cheke at iba pang mahahalagang gamit ng biktima.

Kasama ni Keith ang kaniyang misis na si Melodina at dalawa nilang anak, sakay ang isang Isuzu Elf delivery truck nang mangyari ang insidente.

Ayon pa sa pulisya, tumigil ang delivery truck sa harap ng isang tindahan kung saan bumaba si Keith para makipagtransaksyon, saka biglang sumulpot ang mga suspek na agad siyang pinaputukan.

Pagbagsak ng biktima, agad na tinangay ng mga ito ang sling bag ni Keith na naglalaman ng P200,000 na pera, cheke at iba pang mga gamit, at saka tumakas.

Isang dating sundalo ng United States Army ang biktima, na nag-retiro na sa Pagadian City kung saan nagtayo siya ng negosyo kasama ang kaniyang Pinay na misis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.