Ex-DSWD executive tinangihan ang posisyon bilang PCOO spokesperson
Tinanggihan ni Department of Social Welfare and Development Asec. Lorraine Badoy ang alok ni Secretary Martin Andanar na maging Spokesperson ng Presidential Communications Operations Office.
Ayon kay Badoy, ayaw niya kasi ng limelight.
Sa halip na maging tagapagsalita ng PCOO ay magiging undersecretary for new media si Badoy at magsisimula sa kanyang bagong trabaho sa November 1.
Masakit aniya para sa kanya ang humarap sa media subalit dahil para sa bayan kung kaya tinanggap niya ang pagiging undersecretary ng PCOO.
Sa ngayon, hindi pa batid ni Badoy ang eksaktong parameters ng pagiging undersercetary for new media ng PCOO dahil tatalakayin pa sa susunod na linggo ang terms of reference nito.
Paliwanag pa ni Badoy, kailangan daw siya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya inilipat siya mula sa DSWD patungo sa PCOO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.