Seguridad tiniyak ng AFP sa pagsisimula ng rehabilitasyon sa Marawi City

By Erwin Aguilon October 30, 2017 - 04:12 PM

Siniguro ng Joint Task Force Marawi na may sapat silang puwersa upang magbigay ng seguridad sa lungsod ng Marawi.

Ito ayon kay Col. Manny Garcia ng AFP Civil Relation Service ay kahit na marami ng tauhan ng militar ang umalis na sa lungsod.

Sa ngayon sinabi ni Garcia na marami pang tropa ng pamahalaan ang nagbabantay sa main battle area.

Nagpapatuloy anya ang ginagawang operasyon doon pero wala ng pag-atake na nagaganap.

Bagaman mayroon anyang naririnig na mga putok at pagsabog sinabi nito na hindi na hindi na ito engkwentro kundi posibleng may mga dinisposed na mga hindi sumabog na bomba o kaya naman ay bahagi ito ng recon file ng militar

Sa tala ng militar mayroon ng mahigit sa 2,000 mga bomba ang kanilang narecover simula ng mag-umisa ang giyera sa pagitan ng Maute terror group at ng mga tropa ng pamahalaan.

TAGS: AFP, marawi, rehab, AFP, marawi, rehab

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.