Bagong Iloilo City nanumpa na sa pwesto

By Den Macaranas October 30, 2017 - 03:20 PM

FB picture

Pormal nang nagsimulang manungkulan bilang bagong Iloilo City Mayor si dating Vice Mayor Jose Espinosa III.

Kasunod ito ng ginawang pagsisilbi kaninang umaga ng dismissal order ng Ombudsman sa sinibak na alkalde na si Jed Patrick Mabilog.

Bagaman naging emosyonal ang mga empleyado ng Iloilo City Hall ay naging maayos naman ang panunumpa sa bagong pwesto ni Espinosa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng bagong alkalde na tututukan niya ang problema sa peace and order at aayusin ang sitwasyon ng pagnenegosyo sa kanilang lungsod.

Si Mabilog ay sinibak sa serbisyo ng Ombudsman dahil sa serious dishonesty kaugnay sa hindi pagsusumite ng tamang detalye sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).

Kabilang dito ang hindi pagdedeklara ng mga kita ng kanyang misis na ilang taong nagtrabaho sa Canada.

Nauna nang isinangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mabilog sa iligal na droga kung saan ay kanyang tinawag ang Iloilo City bilang “most shabulized city”.

TAGS: espinosa, iloilo city, mabilog, Mayor, ombudsman, espinosa, iloilo city, mabilog, Mayor, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.