Sweldo ng mga pulis, gagawing ‘quadruple’ ni Dela Rosa, kung magiging presidente siya
Pinasaringan ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang mga retiree ng PNP na nagre-reklamo matapos hindi mapabilang sa salary increase na ipatutupad sa susunod na taon.
Paliwanag ni Bato, maging siya ay hindi kasama sa taas-sahod dahil magreretiro na rin siya sa 2018.
Tanging mga Police Officer 1 (PO1) lamang umano ang unang makatatanggap ng umento, dahil mababa talaga ang kanilang sweldo.
Dagdag pa ni Dela Rosa, hintayin lamang ng mga retirees na maging presidente siya ng bansa, dahil gagawin niyang ‘quadruple’ ang sweldo ng mga miyembro ng police force.
Pinabulaanan rin ni Bato ang hinala ng mga retirees na nagsumite siya ng ‘position paper’ sa Malacañang na umaayon sa proposal na hindi isama sa increase ang mga retirees dahil sa kulang sa pondo ang gobyerno.
Paliwanag ng PNP chief, dumedipende lamang ang Pambansang Pulisya sa mga polisiya ng Palasyo, at sa ibibigay na budget ng Department of Budget ang Management.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.