ASEAN convoy dry run, patuloy ang pag-arangkada sa ilang bahagi ng EDSA

By Angellic Jordan October 29, 2017 - 10:31 AM

Kuha ni Angellic Jordan

Patuloy ang pagdaan ng convoy sa huling araw ng dry run para sa gaganaping 31st ASEAN Leaders’ Summit sa Nobyembre.

Sa bahagi ng EDSA Cubao-Tuazon, dumaan ang convoy ng ilang itim na kotse kasama ang mga motorsiklo na police escort at ambulansya.

Sa ngayon, mayroon ding ongoing na convoy sa bahagi naman ng Cubao Monte.

Naka-antabay naman ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority sa mga dadaanang kalsada ng naturang convoy.

Bunsod nito, asahan na ang pagpapatupad ng stop and go scheme sa mga apektadong kalsada.

Nagmula ang mga convoy sa paliparan sa Clark, Pampanga at patungo naman sa mga hotel at event venues kung saan isasagawa ang mga pagpupulong ng iba’t ibang lider.

Inabisuhan naman ang mga motorista na iwasan munang daanan ang Southbound lane ng NLEX at EDSA maging ang Northbound lane ng Roxas Boulevard.

Nagsimula ang dry run bandang alas singko ng umaga at inaasahang matatapos mamayang alas tres ng hapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.