P500k ng ecstasy at marijuana nasabat ng PDEA sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 29, 2017 - 02:30 AM

Aabot sa P500,000 halaga ng ecstasy at marijuana ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa kanilang ikinasang operasyon sa Barangay Sacred Heart sa Quezon City.

Sa bisa ng isang search warrant, sinalakay ng mga otoridad ang isang apartment sa naturang lugar.

Natagpuan ng mga otoridad ang ilang mga sachet na naglalaman ng hinihinalang tableta at kapsula ng ecstasy, mga bote na naglalaman ng liquid ecstasy, at isang plastic bag na naglalaman naman ng mga tuyong dahon ng marijuana.

Sa naturang operasyon ay nasakote ng PDEA ang hinihinalang tulak ng droga na si Jerome Cheng at partner nitong si Phil Angelo.

Ayon kay PDEA – National Capital Region Director Levi Ortiz, isang buwang sumailalim sa surveillance si Cheng na nagbebenta ng ecstasy sa mga high-end bars sa Quezon City.

Napag-alaman na galing pa sa ibang bansa ang ecstasy.

Hindi naman na itinanggi ni Cheng ang pagbebenta ng iligal na droga. Ngunit aniya, hindi lahat ng mga nakumpiskang iligal na droga ay kanyang pagmamay-ari.

Ayon pa kay Cheng, hindi sangkot si Angelo sa pagtutulak ng droga.

Samantala, ayon sa mga operatiba ng PDEA, sasailalim sa laboratory examination ang mga nakumpiskang iligal na droga mula sa apartment ni Cheng.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.