BURI, tinawag na pekeng maintenance provider ni Nograles

By Rohanissa Abbas October 28, 2017 - 11:40 PM

Tinawag ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Representative Jericho Nograles na “pekeng” maintenance provider ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang Busan Universal Rail, Inc. (BURI).

Sa isang panayam, sinabi ni Nograles na ilegal ang pag-okupa ng BURI sa bahagi ng MRT-3 depot dahil walang kontrata na nagsasaad na ito ang opisyal na maintenance provider ng tren.

Ipinagtataka ng mambabatas kung bakit hindi pa rin na-terminate ang serbisyo ng BURI gayong wala umanong nagawa ito para tugunan ang hindi magandang lagay ng MRT-3 na halos araw-araw naabala dahil sa technical problem.

Noong October 20, ipinadala ng Department of Transportation sa BURI ang notice of termination ng maintenance contract nito.

Gayunman, umalma ang maintenance provider at sinabing hindi nakasasad dito ang factual at legal basis ng mga alegasyon ng DOTR, Kabilang na ang kabiguang gawin ang ilang probisyon sa kontrata.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.