Grab driver pinatay bago inagawan ng sasakyan ng kanyang pasahero

By Den Macaranas October 28, 2017 - 08:24 PM

Humihingi ng tulong ang Grab Philippines sa publiko para sa kaagad na ikadarakip ng mga suspek na pumatay at kumuha sa kotse na minamaneho ng isang Grab driver.

Sa inilabas na pahayag ng Grab, si Gerardo Amolato Maquidato ay binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek noong nakalipas na Huwebes sa Pasay City.

Makalipas ang pamamaril ay tinangay pa ng mga suspek ang minamanehong kulay silver na Toyota Innova ng biktima na may conduction sticker na YV7109.

Napag-alaman rin na si maquidato ay binigyan ng parangal ng Grab noong nakalipas na taon makaraang mag-viral ang balita tungkol sa pagpapasakay niya ng libre sa isang may-sakit na pasahero.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na gumamit ng pekeng Facebook account ang mga suspek na sila nilang ginamit sa pagpapa-book sa Grab.

Naglabas na rin ng alarma ang Land Transportation Office at Highway Patrol Group para mabilis na matagpuan ang nasabing sasakyan na siya namang magbibigay ng panibagong lead sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

TAGS: amolato maquidato, Grab, Pasay City, PNP, amolato maquidato, Grab, Pasay City, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.