Mayor itinanggi na siya ang utak sa pagpatay sa isang brodkaster sa Bislig City
Nilinaw ni Bislig city Mayor Librado Navarro na hindi siya nagtatago at handang humarap sa mga imbestigasyon kaugnay sa pagpatay sa radio commentator ng Prime FM na si Christopher Lozada.
Todo-tanggi rin ang alkalde sa mga bintang na siya ang utak ng pagpatay sa nasabing mamamahayag na inambush habang sakay ng kanyang kotse kamakailan.
Bago ang pananambang ay nakatanggap muna ng sunud-sunod na pagbabanta sa kanyang buhay ang biktima.
Kabilang sa mga sinabi ni Lozada na may planong magpapatay sa kanya ay si Mayor Navarro na kamakailan lang ay sinampahan rin niya ng reklamo sa tanggapan ng Ombudsman.
Sa kanyang panig, sinabi ni Navarro na totoong masama ang kanyang loob sa napatay na mamamahayag pero hindi umano niya magagawang ipapatay ito.
Nasa Surigao Del Sur ngayon ang mga opisyal ng Presidential Task Force on Media Security para magsagawa ng imbestigasyon sa pagpapatay sa nasabing mediaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.