Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya bilib sa ginawang pagsibak sa serbisyo ng Office of the Ombudsman kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Sinabi ng pangulo na long overdue na ang nasabing hakbang ng Ombudsman dahil matagal nang naisampa sa opisyal ang kasong katiwalian.
Muli ring inulit ni Duterte na nagpapakitang gilas lamang ang Ombudsman sa pagsibak kay Mabilog.
Si Mabilog ay kabilang sa mga local officials na nasa drug list ng pangulo.
Kamakailan ay sinabi ng pangulo na susunod na sa police operations ang kampo ng alkalde.
Tinawag rin ng pangulo na “most shabulized city” ang lungsod ng Iloilo dahil sa umano’y pagiging protektor ng iligal na droga ng nasabing opisyal.
Si Mabilog na pinsan ni Sen. Franklin Drilon ay nanatili pa rin sa Canada makaraan itong mag-file leave of absence dahil sa kanyang sakit na diabetes.
Kasama ng opisyal sa abroad ang kanyang buong pamilya ayon pa sa mga ulat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.