Trak tumagilid, 500 kilo ng saging nagkalat sa kalsada sa Q.C

By Mark Makalalad October 28, 2017 - 08:32 AM

Photo: Mark Makalalad

Nagkalat ang kahon-kahong mga saging sa kahabaan ng Kamuning Road, Quezon City makaraang tumagilid ang isang 6-wheeler truck.

Kuwento ng driver ng truck na si Alan Vicendario, 40- anyos, papunta na sana sya ng Nepa Q-Mart nang biglang sa pababang bahagi ng Kamuning Road ay nawalan ng preno ang minamaneho niyang sasakyan.

Sa lakas ng impact, basag ang salamin ng truck at nayupi ang harapang bahagi nito.

Isa-isang namang pinulot at kinarga ang mga saging na mapapakinabangan pa at inilipat ito sa ibang truck.

Sa kabuuan nasa 150 kahon ng mga saging ang natapon na tinatayang aabot sa halos 500 kilo.

Agad namang nakaresponde ang mga rescue team ng MMDA sa akidente na sa kabutihang palad ay wala namang nasagutan.

TAGS: banana, quezon city, Vehicular accident, banana, quezon city, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.