BSP, nagtakda ng bagong deadline sa pagpapapalit ng mga lumang pera
Muling pinalawig ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagpapapalit ng mga lumang pera.
Base sa advisory ng BSP, hanggang December 29, 2017 pa maaring magpapalit ang publiko ng kanilang mga pera.
Gayunman, hanggang isandaang libong piso kada transaksyon lamang ang maaring ipapalit.
Maari namang palitan ang mas malaking halaga ng pera pero ito ay babayaran na sa tseke o direct credit sa bank account.
Una nang itinakda ng bsp ang deadline ng pagpapapalit ng lumang pera noong june 30 subalit pinalawig ito dahil na rin sa kahilingan ng publiko.
Wala nang halaga ang mga lumang pera na inilabas noon pang 1985.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.