Napanatili ng bagyong “Quedan” ang lakas nito habang patuloy na kumikilos patungong East Philippine Sea.
Batay sa 11:00pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 940 kilometers East ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 90 kilometers per hour, at pagbugso na 115 kilometers per hour.
Inaasahang magpapatuloy pa ang pagkilos nito sa direksyong North Northwest sa bilis na 21 kilometer per hour.
Makakaranas naman ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na nasasakop ng 750 kilometers diameter ng bagyo.
Wala pa namang itinataas na tropical cyclone warning signal sa anumang lugar ang PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.