Hindi pa man nag-iinit sa puwesto, agad nang nagbigay ng marching order si Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong AFP Chief of Staff Lt. General Rey Leonardo Guerrero.
Sa change of command ceremony sa Camp Aguinaldo quezon city, ipinag utos ng pangulo kay guerrero na agad na sirain ang lahat ng mga armas na narekober ng militar sa Marawi City.
Ayon sa pangulo, pagpapakita ito na nalupig ng pamahalaan at nalagpasan ang lahat ng hamon sa terorismo at iba pang uri ng karahasan sa Pilipinas.
Hindi naman tinukoy ng pangulo kung saang espisipikong lugar sisirain ang mga nakuhang armas ng teroristang Maute group na limang buwan na nakipaggiyera sa tropa ng militar.
Samantala, hinimok naman ng pangulo ang lahat ng mga sundalo at maging ang publiko na suportahan si Guerrero na ngayon ay bagong pinuno ng militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.