10-year Philippine passport validity simula na sa January 1, 2018
Inilabas na ng Department of Foreign Affairs ang Implementing Rules and Regulations sa Republic Act No. 10928 o mas kilalang “An Act Extending the Validity of Philippine Passports.”
Sa inisyu na Department Order No. 010-2017, walang mababago sa mga bagong passport maliban lang sa ten-year extension validity period nito.
Epektibo ang naturang validity period simula January 1 ng susunod na taon.
Sakop nito ang mga Pilipinong may edad labingwalo pataas habang limang taon parin ang validity sa mga Pilipinong mas mababa sa labingwalong gulang ang edad.
Magkakahalaga ang ten-year passport ng P950 kung saan ito rin ang kasalukuyang presyo ng five-year passport.
Samantala, posibleng magkaroon ng karagdagang bayad sa mga ilalabas na bagong passports dahil maaaring lagyan ito ng enhanced features.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.