Bagyong Quedan, mas lumakas pa at isa nang Severe Tropical Storm
Inaasahang huling bagyo na para sa buwan ng Oktubre ang bagyong Quedan na ngayon ay lumakas pa at itinuturing nang isang Severe Tropical Storm.
Inaasahan naman na sa loob ng 36 hanggang 48 oras ay magiging isa nang ganap nang typhoon ang bagyong Quedan.
Huling namataan ang naturang bagyo sa layong 1,155 kilometers east ng Aparri, Cagayan kung saan taglay ang hangin na aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 115 kph.
Inaasahang patuloy na kikilos si Quedan sa direksyong northwest sa bilis na 21 kph.
Sa pagtataya ng PAGASA, bukas ng umaga ay nasa 775 kilometers east northeast ng Basco, Batanes ang bagyo.
Tuluyan naman nang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Sabado ng umaga.
Maliit naman ang tsansang mag-landfall ang bagyo dahil malayo ito sa kalupaan ng bansa.
Nag-abiso rin ang PAGASA na hindi ligtas na maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat, partikular na sa karagatang nasa Northern Luzon at eastern seabord ng Central at Southern Luzon.
Para sa Metro Manila, asahan na ang scattered rainshowers at thunderstorms, gayundin sa hilagang bahagi ng Luzon hanggang sa katimugang bahagi ng rehiyon.
Ngunit para sa Puerto Princesa hanggang sa Mindanao ay asahan naman ang light to moderate rains na dulot naman ng intertropical convergence zone o ITCZ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.