UPDATE: MRT, dalawang beses nakaranas ng aberya; mga pasahero, pinababa at pinaglakad
Dalawang beses nakaranas ng aberya ang Metro Rail Transit o MRT 3 ngayong araw ng Huwebes.
Pinababa at pinaglakad ang mga pasahero ng MRT kaninang 7:39 ng umaga dahil sa ATP o automatic train protection failure sa pagitan ng GMA Kamuning at Cubao stations southbound.
Ang ATP ay kagaya ng isang computer box na nagbibigay ng impormasyon sa mga otoridad ng MRT kung alin sa mga bahagi ng tren ang hindi gumagana.
Dakong 8:18 ng umaga, ay nagkaroon naman ng train failure ang MRT northbound sa Buendia Station dahilan para muling pababain ang mga pasahero.
Ngayon ay balik serbisyo na ang MRT at labingpitong mga tren ang maayos na tumatakbo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.