MMDA at NAIA, nakaalerto na para sa Undas 2017

By Rhommel Balasbas October 26, 2017 - 03:04 AM

 

Nakalatag na ang mga isasagawang hakbang ng Metro Manila Development Authority at Manila International Airport Authority upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga mamamayan sa paggunita ng Undas 2017.

Inaasahan kasi ang dami ng taong palabas at papasok mula sa mga probinsya.

Simula Biyernes, palalawigin ng MMDA ang kanilang cleanup drive sa piling mga pampubliko at pribadong sementeryo sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, nasa 2, 886 na personnel ang ipakakalat para sa “Oplan Undas 2017” ng gobyerno mula bukas October 27 hanggang November 2, Huwebes.

Maglalagay din ng tents para umasiste sa publiko at nakastandby din ang mga ambulasya sa Manila North and South Cemeteries, Loyola Memorial Park sa Marikina at San Juan Public Cemetery para sa mga mangangailangan ng medical na atensyon.

Samantala, ipatutupad naman ang procedures na isinasagawa sa Ninoy Aquino International Airport tuwing sila ay naka full alert status.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, magkakaroon ng time adjustment ang airline companies sa pagbubukas ng check-in counters.

Ito ay upang maging maayos ang sitwasyon ng mga pasaherong paalis at palabas sa apat na terminal lalo na ang NAIA terminal 4 kung saan maraming pasahero ang inaasahang patungo sa mga probinsya.

Tutulong din ang help desk, mga nurse at doktor at staff ng Public Affairs Division upang maayos na maiorganisa at matulungan ang mga pasahero sa kanilang flight schedules.

Parehong magpapatupad ng no dayoff no absent policy ang MMDA at MIAA sa kanilang mga kawani.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.