Duterte kay Mayor Mabilog: ‘You’re next’

By Jay Dones October 26, 2017 - 03:05 AM

 

Susunod ka na.

Ito ang naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Si mayor Mabilog ay una nang tinukoy bilang narcopolitician ng pangulo.

Sa talumpati ng pangulo sa Commemorative Session and Concert Program ng Association of Southeast Asian Nations Law Association sa Malacañang, binanggit ito ng pangulo kasabay ng pagbanggit rin sa sa ginagawa noon ni Mayor Reynaldo Parojinog Sr. ng Albuera, Leyte.

Matatandaang makailang ulit nang binanggit ng pangulo na sangkot sa pagbibigay proteksyon sa industriya ng iligal na droga si mayor Mabilog.

Gayunman, mariin itong itinatanggi ng alkalde.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin ito nakakauwi sa bansa makaraang magpagamot umano sa sakit na diabetes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.