Duterte at Jack Ma nagpulong sa Malacañang

By Chona Yu October 25, 2017 - 03:59 PM

RTVM

Bumisita kaninang ala-una ng hapon sa Palasyo ng Malacañang ang isa sa itunuturing na pinakamayamang tao sa China.

Nag-courtesy call sa pangulo si Jack Ma, ang Chinese Billionaire na founder ng Alibaba group of company.

Ilan sa inspiring story ng $29 Billion man na si Jack Ma ay ang pagyaman nito mula sa kawalan.

Naging inspiring story rin ni Jack Ma ang kanyang tatlumpong beses na pagkaka reject sa inaplayang trabaho kabilang na ang isang kilalang fast food chain na KFC at ang tatlong beses na pagbagsak sa college entrance exams.

Una rito, nakipagkita na rin ang Chinese Billionaire kay US President Donald Trump.

Samantala bukod kay Jack Ma, may nakatakda ring meeting ngayong hapon si Pangulong Duterte kay Chinese Defense Minister Chang Wanquan.

TAGS: duterte, Jack Ma, Malacañang, duterte, Jack Ma, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.