Make-up classes dahil sa sunud-sunod na suspensyon bunsod ng ASEAN Summit, ipinaubaya sa mga paaralaan
Ipinaubaya ng Department of Education sa mga paaralan ang pagdedesisyon kung magsasagawa o hindi ng make-up classes tuwing Sabado matapos ianunsiyo ang halos isang linggong kanselasyon ng klase sa Nobyembre dahil sa ASEAN Summit.
Ayon kay DepED Undersecretary Tonisito Umali, aabot 204 school days ang mayroon sa kasalukuyang academic calendar.
Sa nasabing bilang aniya, 180 dito ay “non-negotiable” at 24 naman ay “buffer days” na maaaring gamitin ng mga estudyante para sa make-up classes.
Batay sa rekord ng DepEd, mas maraming class suspension ang naitala sa Metro Manila ngayong taon, kumpara sa mga probinsya.
Pero sa 24 buffer days, labinlima lang dito ang nagamit ayon sa DepEd.
Una nang idineklara ng Malacañang bilang special non-working days ang November 13, 14 at 15 sa Metro Manila, Bulacan, at Pampanga dahil sa 31st ASEAN Summit.
Pero bago pa ito, nagkasundo din ang mga mayor sa Metro Manila na suspindehin ang klase sa lahat ng antas sa November 16 at 17. / Mariel Cruz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.