Road projects bawal na mula Nov. 1 para makabawas sa Christmas rush traffic
Simula sa November 1, suspendido na ang mga road reblocking at road repairs sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ito ay upang hindi na makadagdag pa sa pagsisikip sa daloy ng trapiko para sa papalapit na Christmas rush.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Asst. Gen. Manager Jose Garcia Jr., simula sa November 1 suspendido na ang lahat ng road reblocking at repairs gayundin ang excavation projects.
Tatagal ang suspensyon hanggang sa January 15, 2018.
Sinabi ni Garcia na pumayag na ang DPWH; ang mga water, telecommunication at electrical companies, gayundin ang mga private contractors sa kanilang kahilingang suspendihin ang lahat ng road projects.
Ang tanging exemptions sa ilalabas na memorandum circular ay ang patuloy na konstruksyon sa Skyway 3, ang ginagawang mga tulay at pagsasa-ayos ng mga drainage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.