Honeylet Avanceña, pangungunahan ang ASEAN Summit Social Events
Magiging “official hostess” ng mga heads of states at kanilang mga asawa ang partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña sa magaganap na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na buwan.
Ito ang kinumpirma ni Ambassador Marciano Paynor, ang Director-General for operations ng ASEAN 2017 National Organizing Council.
Dahil dito, si Avanceña ang mangunguna sa mga social events ng summit tulad ng Gala Dinner na naka-iskedyul sa November 12 at Spouses’ Program sa kasunod na araw.
Alinsunod sa tradisyon, si Avanceña at ang Pangulo ang magbibigay ng official attires sa mga asawa heads of states.
Ayon kay Paynor, may mga state heads na nagsabing magsasama ng mga asawa at hiningian nila ng body measurements para sa kanilang dress.
Sakaling hindi sila magsend ng sukat ay kumpirmasyon na hindi dadalo ang kanilang asawa.
Nauna na ngang ipinahayag ni Paynor na aabot sa 21 lider ng mga bansa ang dadalo sa summit kabilang na si US President Donald Trump.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.