United Kingdom, nag-issue ng travel warning sa ilang bahagi ng Pilipinas

By Rhommel Balasbas October 25, 2017 - 03:40 AM

 

Nag-isyu ng travel warning ang United Kingdom sa ilang mga rural areas sa bansa dahil sa umano’y banta ng terorismo.

Ayon sa advisory na inilabas ng Foreign and Commonwealth Office ng pamahalaan ng UK, may banta ng pag-atake ang mga terorista sa Western at Central Mindanao.

Kabilang din sa mapanganib na lugar ang Sulu at Timog ng Cebu kabilang ang mga munisipalidad ng Dalaguete at Badian.

Maging ang Maynila ay hindi rin anila ligtas sa posibleng pag-atake ng mga terorista.

Patuloy anila sa pagpaplano at paglulunsad ng pag-atake ang mga terorista sa matataong lugar tulad ng mga paliparan, mga lugar na kadalasang pinupuntahan ng mga banyaga, shopping malls, public transportation at mga simbahan.

Pinag-iingat ng pamahalaan ang kanilang mga mamamayan sa bansa at hinimok na maging alerto at vigilant sa lahat ng pagkakataon.

Hinihikayat ang pag-rereport ng mga kahina-hinala sa mga awtoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.