Mga bus, bawal nang dumaaan sa underpass ng EDSA
Hindi na papayagang dumaan sa mga underpass ng EDSA ang mga bus na nanggagaling sa mga probinsiya.
Ayon sa pahayag ng Malacanang, “effective immediately” ang patakarang sa mga yellow lanes na lamang maaaring dumaan ang mga bus, bilang isa sa mga nakikitang solusyon sa mabigat na problema sa trapiko sa EDSA.
Samantala, ipapatupad naman ang pangalawang direktiba ng MMDA ukol sa truck ban sa Setyembre 15, Martes.
Ang truck ban ay ipapatupad mula alas sais ng umaga, hanggang ika 10 ng umaga, at magbabalik sa alas singko ng hapon hanggang ika-10 ng gabi, araw araw, maliban na lamang sa mga araw ng Linggo, at holidays.
Exempted naman sa truck ban ang mga truck na pa norte o “northern truck route” kung saan papayagan silang dumaan 24 oras.
Sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, na tinutulungan na ng Malakanyang ang MMDA para mabilis na maiapalam sa publiko ang mga nasabing impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.