Dating misis ng top drug personality sa Lucena, pinatay

By Jay Dones October 25, 2017 - 12:09 AM

 

Pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang dating asawa ng umano’y nangungunang drug personality ng Lucena City, sa Quezon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Arlene Alcala, 38, dating misis ni Sahjid Alcala na una nang naaresto ng mga otoridad sa kasong may kinalaman sa droga sa Pagbilao, Quezon.

Si Sahjid ay kasalukuyang nakapiit sa Pagbilao District Jail dahil sa naturang kaso.

Ayon kay Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng Lucena City police, pinagbabaril ang biktimang si Arlene habang lulan ng kanyang kotse sa Bgy. Ilayang Iyam dakong alas 6:30, Martes ng gabi.

Noong nakaraang Setyembre, sinalakay ng mga pulis ang bahay ni Arlene sa San Juan Estate, sa Bgy. Isabang, sa Tayabas City, Quezon.

Nakakumpiska sa raid ng ilang sachet ng shabu at baril ang mga alagad ng batas.

Nagawang makapagpyansa ng biktima kaya’t pansamantala itong nakalaya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.